Bangkay
Mayroon bang
TV na walang screen,
radyo na walang speaker,
sapatos na walang swelas,
long sleeve na walang manggas,
dulang walang eksena,
librong walang pahina,
bidang walang kontrabida,
o singer na walang boses?
Eh bakit merong
batang walang pahinga
walang laruan,
manggagawang walang sahod
walang gamit,
magsasakang walang lupa
walang pagkain,
at taong walang karapatan
walang buhay?
Mga etiketa: Tula
pinost ni: Nolram Ateug nang 1:30 AM
+ + +
Amen
Araw,
hayop,
bayag,
kidlat,
alon,
alak,
propeta,
bayani,
D'yos,
.
[Enero 15, 2010, unang tula ko sa 2010, at para uli sa tula tungkol sa pagbabago sa UGAT]
Mga etiketa: Tula
pinost ni: Nolram Ateug nang 2:42 PM
+ + +
Metamorposis
Noon
ay itlog
na nananatili
sa isang sanga
habang binabasag
ang kanyang
pinalolooban.
Unti-unti
naging uod,
naglakbay,
at ginawang
sariling teritoryo
ang lahat ng lupang
may dahon.
Ngayon
ay matibay na
cocoon
at ang tanging layunin
ay lumago
ng lumago
ng lumago.
Bukas
ay paro-paro na
ikakampay ang
makukulay n'yang pakpak
ng tagumpay.
[December 25, 2009, para sa tulang tungkol sa pagbabago sa UGAT]
Mga etiketa: Tula
pinost ni: Nolram Ateug nang 9:30 PM
+ + +