Miyerkules, Agosto 19, 2009
Kalayaan
Enero 25, 1970. Sa isang klasrum ng ikalawang baitang sa kolehiyo, sa isang pribadong paaralan sa may Kalookan. “Nasaan na naman si Allen Ateug?” sigaw ng nalalapit ng sumabog na si Ms. Agliam. “Andun po sa labas, sumama sa rali tutol sa pag-tataas ulit ng tuition dito sa iskul”, sagot naman ni Erik Nolram na medyo takot na.
“Tawagin mo.” sabi ni Ms. Agliam.
“Ma’am?”
“TAWAGIN MO!”
“O-opo.”
Makalipas ang dalawang minuto’y dumating na sila. ”Bakit po ma’am?” Magalang na tanong ni Allen na parang walang nararamdamang takot. ”Klase na’y nasa labas ka pa! Ano ba’ng gusto mong palabasin?” sagot naman ni Ms. Agliam na medyo humupa na rin ang galit.
”Wala naman po,” sabi ni Allen ”gusto lang naman po namin na panatilihin ang tuition dito... kawawa namn po kasi yung mga mahihirap na estudyante.”
”...”
”Saka po-”
”Maupo ka na’t ng masimulan na ang klase.”
”Yes, ma’am.”
Halos laging ganyan ang eksena sa kanilang paaralan, hahanapin ng guro ang isang aktibistang estudyante, sasabihin ng estudyante ang dahilan, at ’yun, pauupuin ng guro para sa klase.
Kinabukasan. ”Allen! Sigurado ka na bang sasama ka dun sa malawakang demonstrasyon sa harap ng Kongreso?” tanong ni Erik na parang napapaisip na rin kung siya’s sasali. ”Aba, oo! Bakit? Papayag ka bang baguhin lahat ng batas sa buong Pilipinas, na ’di man lang natin alam kung anu-ano ang babaguhin? Sige nga, ikaw?”
”Hindi nga, pero pa’no pag nagkahulihan? ’Di ba? Ayoko rin namang makulong.”
”Hindi ka dapat ganyan, hindi tayo mawawala kung walang pangulo, s’ya ang mawawala kung wala tayo. Tayo dapat ag nagpapasya ng gagawin sa ating lahat at sa ating bayan.”
”Naks, ganda ng speech mo, ah.”
”O ano ba? Sasali ka? May sasama rin yatang mga guro eh!”
”Sige na nga! Galing mo talaga mangumbinse.”
Enero 26 pa rin, gabi na. Umuwi na si Allen. Matapos ang malaking rali sa Kongreso, na-interbyu pa s’ya! Pag-pasok n’ya sa kanilang bahay, “Ayos tulog na...” sabi n’ya sa sarili habang galak na galak dahil nahihimbing na ang kanyang mga magulang. “Allen?!” isang boses ang biglang bumasag sa katahimikan; ang boses ng kanyang ama!
“Hoy bata ka! Akala mo ba’y hindi kami nanonood ng balita? Kitang-kita ka namin! At ang lakas pa ng loob mong pamunuan ang mga estudyante sa paaralan ninyo!”
“Dad...”
“Shut up! You will stop joining that demonstrations or-“
“No Dad! I won’t! Hindi ako isang tuta na sunud-sunuran! I have my own dreams!”
Pak!
Isang sampal. Sampal sa mukha ni Allen. Malakas. Napaiyak s’ya.
”And what are those dreams? Maging bayani na mamamatay ng wala man lang maayos na pamilya’t buhay? You’re not a fool, son. I already told you, be a lawyer.”
“You don’t understand dad, you won’t.” Sabay akyat sa kanyang kwarto.
Enero 30, 1970. May rali. May exam. ”Psst, Allen. Ano? Teknikan na natin ‘to!” sabi ni Mark Restel ng pabulong kay Allen na nag-uutos na pakopyahin s’ya.
“Ayoko, nagmamadali ako. May pupuntahan ko eh.”
“Sus, wag ka nang mag-palusot. Ano?”
”Ayoko.”
”Bilis!”
Walang sagot.
“Hoy!”
Blanko.
“Ano ba?!”
Biglang, “Time’s up! Pass your papers” sigaw ng kanilang guro. Tsinekan agad nila. Itlog si Mark. Pasado si Allen. ”P**a! Patay sa ’kin yang si Allen mamaya!” sabi ni Mark sa sobrang galit.
Uwian na. Inabangan ni Mark si Allen. Natyempuhan, bugbog si Allen. ”Ano?! Masyado ka kasing madamot at matigas! Ayan, libreng shades at red wine sa katawan mo! Ha-ha!” sabi ni Mark bago duraan si Allen.
Enero 30 pa rin. Sa harap ng Kongreso, may rali ulit. “Nasa’n na ba si Allen? Nagsimula na yun mga talumpati dito, wala pa rin s’ya, ‘no ba ‘yan.” sabi ni Erik na inip na inip na kakahintay kay Allen. Nagpatuloy ang rali sa Malacañang. Nagkabatuhan sa pagitan ng mga pulis at raliyista. Bigalang nagka-usok, tear-gas! Nagkatakbuhan, stampede. Apat ang patay. Kasama si Erik.
Pebrero 1, 1970, lamay ni Erik. Kumpleto, mga klasmeyt, guro, at kamag-anak. Pinalayas si Allen. Minura. Sinuntok. Umiiyak s’ya habang umuuwi. Mula no’n nag-iba s’ya. ’Di na halos makausap. Naging seryoso sa pag-aaral. ’Di na rin sa pinagagalitan sa bahay nila. Ilang taon s’yang gano’n, gumradweyt. Valedictorian. Writer. Writer ang kinalabasan n’ya.
Setyembre 22, 1972. Nakuha s’yang kolumnista sa isang broadsheet na dyaryo. Una n’yang artikulo, “Ang Kamay na Bakal”. Tungkol sa posibilidada ng pagdidiklara ng Martial Law. At parang naghihiykat na mag-alsa. Sinalungat ulit ito ng kanyang ama.
”Ano sa tingin mo’ng ginagawa mo? Baka pag nagdiklara nga ng Martial Law ay patayin ka!”
”Nag-iba na ’ko ng tinahak dad. This time, I’ll be better.”
Kinabukasan. Martial Law na nga. Maraming pulitiko ang hinuli. Pati stasyon ng mga radyo at telebisyon pinasara, kasama ang pahayagang pinpasukan ni Allen.
Enero 7, 1973. Nawala si Allen sa bahay nila. Naging propesor s’ya sa isang maliit na unibersidad. Tinuruan n’ya ng pagkamakabayan ang kanyang mga estudyante. Nanatili s’yang subersibo sa kanyang pananalita at mga sulatin. Hanggang sa dumating ang taong 1985. Biglaan. Pinatay s’ya. Mga lalaking naka-motor, naka-camouflage daw.
Di na s’ya umabot sa katapusan ng Martial Law. Sayang.
People Power. Maraming tao do’n kilala s’ya...
[written on August 2005, won 2nd prize for high school short story writing contest (never got my prize!)]
Mga etiketa: Maikling Kwento
pinost ni: Nolram Ateug nang 12:29 PM
+ + +
0 Komento:
Mag-post ng isang Komento
<< Home