Akdaan | My Brute | Read One Piece! | Blogger Profile

Akdaan

–pangngalan[ak-duh-uhn] 1. akda + tambakan 2. lugar na pinaglalagyan ng koleksyon ng mga akda 3. pangalan ng isang blog sa internet (www.akdaan.blogspot.com)

Martes, Disyembre 1, 2009

Tayong Nakarinig sa mga Sigaw

Isang tagabantay ng mga tupa,
ang sumisigaw para,
ihingi ng tulong ang mga alaga,
na ngayo’y nilalapa,
ng mga lobong gala.

Walang tumugon sa kan’yang panawagan,
na sana s’ya’y samahan,
at tulungan,
bantayan,
ang mga tupang hindi pa napag-tripan.

At bumalik ang mga lobo,
hindi pa sila kuntento,
nilapa pati ang natirang walo;
dadalawa ang nakatakbo.
Ang tagabantay, ay humihingi pa rin ng saklolo.

Wala, muli,
ang nagmadali,
para mamalagi,
damayan sana siya sa pagkasawi,
at hintayin ang amo n’yang malapit nang umuwi.

At naririyan na naman,
mga lobong matakaw sa laman,
ang bata’t dalawang tupa’y tinambangan;
napuno ng dugo at laman,
ang damuhan.

Nang dumating ang amo,
imbes na mga tupa ang makatagpo,
nadatnan ay kalat-kalat na buto.
Sinigawan ang mga abalang taga-baryo,
“Bakit hinayaan n’yong mangyari ‘to?”

Samantala, ang mga lobo,
ay naglalakabay sa mga bato,
nang dahan-dahan, parang namboboso,
para makarating sa baryo.
Nasarapan ata sa lasa ng tao...


[December 2, 2009, para sa Bagito at sa ating hindi biktima ng Maguindanao Massacre]

Mga etiketa: Tula

pinost ni: Nolram Ateug nang 11:18 PM


0 Komento:

Mag-post ng isang Komento

<< Home

+ + +

Para sa mga inaalikabok nang akda.

+ P.I.
+ Censored
+ Deadline
+ Super Singit
+ Buti pa Ako
+ Trust
+ Palusot sa Pagpupuyat
+ Ang Mabakal ng Nagtuturo sa Ingles
+ Blankong Papel
+ artsandsciencesgallery.com

Para sa mga walang Google account.


ShoutMix chat widget

Para sa tanong mo.


Para sa mga "Dyanra."

+ Anunsyo
+ Maikling Kwento
+ Sanaysay
+ Tula

Para sa mga nabubulok nang akda.

+ Agosto 2009
+ Setyembre 2009
+ Oktubre 2009
+ Nobyembre 2009
+ Disyembre 2009
+ Enero 2010
+ Pebrero 2010
+ Marso 2010

Para sa pride ng batang nagsulat.


Para sa gumawa nitong template.

+ Blogger.com
+ Simple-Blogskins

© 2006.MAG-COMMENT KA, KAHIT ANO.