Linggo, Disyembre 6, 2009
Tugon
Nakarinig ka ng sigaw,
habang naka-L ang kamay
at naka t-shirt na dilaw,
doon sa Mendiola
may shooting pala.
Nakarinig ka ng sigaw
habang nilalagyan ng asukal
ang kinakain mong lugaw.
Para sa mga Cojuanco,
mas mahalaga ang lupa kaysa tao.
Nakarinig ka ng sigaw,
habang nagpapalamig sa Ever Gotesco.
Nage-echo ang tinig ng isang ina:
Hustisya para sa pinaslang na asawa,
at ilabas ang hinablot na anak.
Nakarinig ka ng sigaw
habang nilalagay sa cart ang Colgate,
na katabi lang ng Hapee.
Dahil g'wapo daw yung kano,
ginusto ni Nicole magpakantot.
Nakarinig ka ng utos, este, sigaw
habang pilit tinatanggal
ang chewing gum na naapakan.
Sabi ng chewing gum, este, pangulo:
Kailangan natin ng Cha-cha!
Nakarinig ka ng sigaw,
na parang galing sa hukay,
doon sa Maguindanao.
Pero sa pila, ika'y naghihintay,
right of suffrage, gamitin daw.
Padami
ng padami
ng padami ang mga sigaw.
Sabi mo sa iyong sarili:
Sinong, paano, kailan gagalaw?
[December 5, 2009, revision sana nung "Tayong Nakarinig sa mga Sigaw" pero naging isang bagong tula]
Mga etiketa: Tula
pinost ni: Nolram Ateug nang 3:49 PM
+ + +
0 Komento:
Mag-post ng isang Komento
<< Home