Intensyon
Nagbabantay si Henry ng kanilang sari-sari store dahil hindi s’ya pumasok sa eskwela. Habang nanonood ng “Ogags,” ay nagme-meryenda s’ya ng Coke Sakto at V-cut. Komersyal, nang may narinig s’yang “Pabile!” Pakalingon, nakita n’ya si Juan. Bumili si Juan ng Nescafe at sinuklian ni Henry ng kulang ng limang piso. Pagkatapos ay nanood muli si Henry. Bigla s’yang napahalakhak sa nakitang kalbo na tinamaan ng bowling ball sa mukha. Napaliyad s’ya katatawa, at natumba patalikod sa upuan. Nabasag ang Coke at kumalat ang V-cut. Agad s’yang kumuha ng bagong meryenda, pagkatapos ay itinapon ang mga bubog at chips sa basurahan. At, pinagpatuloy na n’ya ang panonood…
[written on August 22, 2009, assignment, edited on August 28, 2009 (it became way shorter)]
Mga etiketa: Maikling Kwento
pinost ni: Nolram Ateug nang 4:02 PM
+ + +
Pilipinas
“We live in a world of darkness.” This is what the deceased Queen had always said. Most of the villagers never believed her, or maybe it is just because we never knew what “darkness” looks like. Some say that the queen is referring to evilness and not the absence of light, but that’s contradicting the fact that our little country is peacefully quiet! The sheriffs here almost do nothing but scout and help people who are being attacked by blind horses! Yes, even the animals are blind. We do not have a clue why all of us can’t see but we lived as if we are all normal. It is even funny for some kids to think that humans can actually see! Ha-ha, kids here always thought that sight is a supernatural power. Anyway, enough of these pointless recall, I think I’ve got something important to attend to… Ah! This morning is my promotional ceremony!It is another cold morning in our country plaza, where I discerned the required oaths, as the villagers murmur about King Alvin’s strong but pleasant aroma, after His Majesty laid his soft right hand above my bare head; I am now a General! According to the two other Generals, I was personally selected by His Majesty for this position. I do not know why but I am sure His Majesty has his reasons. I was just about to face the crowd when I suddenly heard a deep voice, “General Perseus, I would like to see you after your celebrations” the King’s words are short but powerful, much like a thunder on a quiet night…It is already lunch time when I and my crew finished the merrymaking, so I headed to the Palace. I was already in front of the Palace’s gates, when Anne, a pub owner, holds onto my scarf with his gloved hands and said, “Captai- no, General Perseus! I am here to congratulate you for your promotion and to thank you for saving my son from drowning last night. Here please accept this humble gift from me.” She then handed to me a bottle of wine. “This is unnecessary, Anne, I just did what any man would do. Take this back, your pub could use it more productively.” I said in reply as I handed the bottle back and caressed her hooded head. She tried to insist but I didn’t give in, I continued entering the Palace. The King greeted me as I walked towards the hallway, “A good afternoon this is isn’t it, my new General? How’s you’re first few hours in service?” His Majesty said. “It was great, my Lord. A lot of villagers tried giving me gifts, but, of course, I know that they’ll need it more than me…” I replied as we both sat around a wooden table. The King sipped a bit of his drink before saying, “Boy, you sure are modest, eh? You should be more practical when it comes to those kinds of things. Yes, they might need those, but are they more important than you? Besides, how do you think will they feel after being rejected?” I was taken aback by what His Majesty said, I never thought of it that way, I was so busy thinking about other’s material needs, I almost forgot about their emotions and myself! “I am sorry my Lord, next time I’ll accept them…’Because of our conversation, I realized that I’ve got a lot of mistakes with how I treat things and other people. It took us till dinner time so I also ate dinner with the King, normally, I would’ve refused but, his majesty said that, “in order to prosper, you must take every opportunity to be better than the rest”. So, I think it would just be right to take advantage of this deliciously free dinner!I can already hear crickets by the time I left the mansion. And because of the disturbing fact that all horses are blind, I walked home. I passed by the house of Frenz, an architectural genius, and, Rhamuel, a master blacksmith. The two are married for 8 years by now, and it seemed like they are having an argument. I then remembered what the King said about enemies; “you’ll never know when or where they’ll show” I was immediately suspicious of them, they have all the prerequisites for an enemy, power, knowledge, and money; all that’s left is a motive! With this, I eavesdropped, I heard Rhamuel contradicting something Frenz said, and “…that’s just plainly impossible! No matter what you do, a man will still sink in the sea!” he said. Frenz answered, “I don’t think that’s right Rhamuel, most people think that way, and that’s why we’re never sure about it! You know what’s a wood right? Well, wood floats!” Rhamuel replied, but this time with a groan, “That’s just plain nonsense, Frenz. Even if a wood floats, by the time you put a man along with it, the whole thing will sink! Birds can’t make people fly!” Frenz defended her beliefs with apparent determination, “You’ll think you’re stupid after I prove everything to you. Tomorrow morning, I’ll test a wooden vessel I built to float even if people ride in it, soon, you’ll see.” Their conversation ended with no clear victor, seems like it’ll all be decided by tomorrow. I wondered what was that wooden-vessel Frenz was talking about, a vehicle to carry people above the sea, perhaps! I’ll have to see that! And with excitement, I resumed walking home along this cold and lonely road…The fragrance of the pastries at the nearby bakery welcomed my day joyfully. I performed my daily morning routine and headed towards Rhamuel and Frenz’s home! I am still excited about that wooden vessel Frenz talked about. I knocked three times at there steel door, producing three loud bangs. Rhamuel answered the door, “Oh, good morning General Perseus what is it that you need this early in the morning?” he addressed to me with an obvious you-waked-me-up-this-better-be-good shock, I asked him about his wife and he replied ahh-ly “Oh, she told me last night that he would be doing something with the sea, so she is most probably in the Northern beach, since that’s her favorite beach. Anyway, why do you need my wife?” I replied with a lie, afraid that he might deduce that I’ve eavesdropped on them, “We just have something to talk about one of her architectural projects.” And I left hastily, heading north…And after finally getting at the Northern beach, I was disappointed. No one is there; I can only hear the waves, I can only smell the breeze, I can only feel the trees. No one is there. Wait, I should not be put down by this emotion, just as what the King said, “A heart is just a hindrance for the brain”. If she’s not here, it’s either her husband’s information is wrong or she’s already out to the seas! I was thinking to order my now more subordinates to search around the island’s beaches while I wait here for her fortunate return when I suddenly heard something moving from the seas! I ran towards the shore as I listened more carefully while shouting for Frenz’s name. “General!” a seemingly surprised Frenz answered,”S-so even you can’t… whew, Sir, this terrible! I have made this sea-traveling vehicle, and then I sailed out to the sea, but as I went further and further, my eyes started to get a glimpse of something else that is not black, and then, and then, an explosion of those different not-black-things started! I WAS ABLE TO SEE!” I was greatly stunned by what Frenz said as my hairs started to rise up. “Wait! Wait! What you’re saying is clearly impossible-“I stopped as I felt her touch me on my shoulders and adjust me to face another direction, I then felt that she is breathing heavily; I am now facing her; she can really see! “What, but how? What did you do? How did you see? Can you still see? Then make me see too!” I yelled with thrill and excitement. “Wear this mask and you’ll see…” she said as she put onto my face a mask that covered my nose down to my mouth. And then, I started to see things that are not really black…”BANG!” the sound of a gun firing a bullet suddenly echoed throughout the beach. I ducked and stumbled upon Frenz, my vision is starting to clear up. The very first sight I saw is Frenz’s face covered with a dark fluid which opposed the light color of her round eyes. I instinctively grasped Frenz’s mask and ran as quick as I can, I tried to look back and saw the, also masked, gunman up in a tower about 10 meters away. I also noticed the seemingly different color of the sky farther out the sea, its something so cool; it relaxed my eyes even if I just looked there for a second. It is in contrast to what the surroundings of the town is colored, its something that is so irritating. Anyhow, I have to run for my life.As I entered the town itself, I was horrified. People that are talking to each other can’t even face the person they’re talking to! Kids who desperately try to play and run bump onto almost anything! But what really stunned me are their eyes, they are dark, something completely different to what Frenz had. Only there did I realize that the irritating color that surrounds the town is a gas, a poison gas! I quickly ran to Rhamuel, who is outside and is taking care of his merchandise. “Rhamuel, Frenz discovered how to see! Here wear this mask!” And I put the mask on his face and continued talking. “…you see, the whole town is surrounded by a poison gas, and if you wear this mask, it will prevent you from breathing the poison and therefore, will let you see!” I yelled to let everyone hear. “Oh crap. I can see! But, where is Frenz, she should be with you right?” Rhamuel exclaimed. “Frenz is dead, she was killed, and somebody is trying to stop the people from seeing! We should-“I suddenly felt something pierce through my chest as a BANG sound made its way through my ears. I was shot. I’ve just began to see… why are they blinding us. And that was the last thought I had…
[started on last quarter of 2008, finished on May 2009, originally a requirement for an English class in high school]
Mga etiketa: Maikling Kwento
pinost ni: Nolram Ateug nang 12:31 PM
+ + +
Kalayaan
Enero 25, 1970. Sa isang klasrum ng ikalawang baitang sa kolehiyo, sa isang pribadong paaralan sa may Kalookan. “Nasaan na naman si Allen Ateug?” sigaw ng nalalapit ng sumabog na si Ms. Agliam. “Andun po sa labas, sumama sa rali tutol sa pag-tataas ulit ng tuition dito sa iskul”, sagot naman ni Erik Nolram na medyo takot na.“Tawagin mo.” sabi ni Ms. Agliam.“Ma’am?”“TAWAGIN MO!”“O-opo.”Makalipas ang dalawang minuto’y dumating na sila. ”Bakit po ma’am?” Magalang na tanong ni Allen na parang walang nararamdamang takot. ”Klase na’y nasa labas ka pa! Ano ba’ng gusto mong palabasin?” sagot naman ni Ms. Agliam na medyo humupa na rin ang galit.”Wala naman po,” sabi ni Allen ”gusto lang naman po namin na panatilihin ang tuition dito... kawawa namn po kasi yung mga mahihirap na estudyante.””...””Saka po-””Maupo ka na’t ng masimulan na ang klase.””Yes, ma’am.”Halos laging ganyan ang eksena sa kanilang paaralan, hahanapin ng guro ang isang aktibistang estudyante, sasabihin ng estudyante ang dahilan, at ’yun, pauupuin ng guro para sa klase.Kinabukasan. ”Allen! Sigurado ka na bang sasama ka dun sa malawakang demonstrasyon sa harap ng Kongreso?” tanong ni Erik na parang napapaisip na rin kung siya’s sasali. ”Aba, oo! Bakit? Papayag ka bang baguhin lahat ng batas sa buong Pilipinas, na ’di man lang natin alam kung anu-ano ang babaguhin? Sige nga, ikaw?””Hindi nga, pero pa’no pag nagkahulihan? ’Di ba? Ayoko rin namang makulong.””Hindi ka dapat ganyan, hindi tayo mawawala kung walang pangulo, s’ya ang mawawala kung wala tayo. Tayo dapat ag nagpapasya ng gagawin sa ating lahat at sa ating bayan.””Naks, ganda ng speech mo, ah.””O ano ba? Sasali ka? May sasama rin yatang mga guro eh!””Sige na nga! Galing mo talaga mangumbinse.”Enero 26 pa rin, gabi na. Umuwi na si Allen. Matapos ang malaking rali sa Kongreso, na-interbyu pa s’ya! Pag-pasok n’ya sa kanilang bahay, “Ayos tulog na...” sabi n’ya sa sarili habang galak na galak dahil nahihimbing na ang kanyang mga magulang. “Allen?!” isang boses ang biglang bumasag sa katahimikan; ang boses ng kanyang ama!“Hoy bata ka! Akala mo ba’y hindi kami nanonood ng balita? Kitang-kita ka namin! At ang lakas pa ng loob mong pamunuan ang mga estudyante sa paaralan ninyo!”“Dad...”“Shut up! You will stop joining that demonstrations or-““No Dad! I won’t! Hindi ako isang tuta na sunud-sunuran! I have my own dreams!”Pak!Isang sampal. Sampal sa mukha ni Allen. Malakas. Napaiyak s’ya.”And what are those dreams? Maging bayani na mamamatay ng wala man lang maayos na pamilya’t buhay? You’re not a fool, son. I already told you, be a lawyer.”“You don’t understand dad, you won’t.” Sabay akyat sa kanyang kwarto.Enero 30, 1970. May rali. May exam. ”Psst, Allen. Ano? Teknikan na natin ‘to!” sabi ni Mark Restel ng pabulong kay Allen na nag-uutos na pakopyahin s’ya.“Ayoko, nagmamadali ako. May pupuntahan ko eh.”“Sus, wag ka nang mag-palusot. Ano?””Ayoko.””Bilis!”Walang sagot.“Hoy!”Blanko.“Ano ba?!”Biglang, “Time’s up! Pass your papers” sigaw ng kanilang guro. Tsinekan agad nila. Itlog si Mark. Pasado si Allen. ”P**a! Patay sa ’kin yang si Allen mamaya!” sabi ni Mark sa sobrang galit.Uwian na. Inabangan ni Mark si Allen. Natyempuhan, bugbog si Allen. ”Ano?! Masyado ka kasing madamot at matigas! Ayan, libreng shades at red wine sa katawan mo! Ha-ha!” sabi ni Mark bago duraan si Allen.Enero 30 pa rin. Sa harap ng Kongreso, may rali ulit. “Nasa’n na ba si Allen? Nagsimula na yun mga talumpati dito, wala pa rin s’ya, ‘no ba ‘yan.” sabi ni Erik na inip na inip na kakahintay kay Allen. Nagpatuloy ang rali sa Malacañang. Nagkabatuhan sa pagitan ng mga pulis at raliyista. Bigalang nagka-usok, tear-gas! Nagkatakbuhan, stampede. Apat ang patay. Kasama si Erik.Pebrero 1, 1970, lamay ni Erik. Kumpleto, mga klasmeyt, guro, at kamag-anak. Pinalayas si Allen. Minura. Sinuntok. Umiiyak s’ya habang umuuwi. Mula no’n nag-iba s’ya. ’Di na halos makausap. Naging seryoso sa pag-aaral. ’Di na rin sa pinagagalitan sa bahay nila. Ilang taon s’yang gano’n, gumradweyt. Valedictorian. Writer. Writer ang kinalabasan n’ya.Setyembre 22, 1972. Nakuha s’yang kolumnista sa isang broadsheet na dyaryo. Una n’yang artikulo, “Ang Kamay na Bakal”. Tungkol sa posibilidada ng pagdidiklara ng Martial Law. At parang naghihiykat na mag-alsa. Sinalungat ulit ito ng kanyang ama.”Ano sa tingin mo’ng ginagawa mo? Baka pag nagdiklara nga ng Martial Law ay patayin ka!””Nag-iba na ’ko ng tinahak dad. This time, I’ll be better.”Kinabukasan. Martial Law na nga. Maraming pulitiko ang hinuli. Pati stasyon ng mga radyo at telebisyon pinasara, kasama ang pahayagang pinpasukan ni Allen.Enero 7, 1973. Nawala si Allen sa bahay nila. Naging propesor s’ya sa isang maliit na unibersidad. Tinuruan n’ya ng pagkamakabayan ang kanyang mga estudyante. Nanatili s’yang subersibo sa kanyang pananalita at mga sulatin. Hanggang sa dumating ang taong 1985. Biglaan. Pinatay s’ya. Mga lalaking naka-motor, naka-camouflage daw.Di na s’ya umabot sa katapusan ng Martial Law. Sayang.People Power. Maraming tao do’n kilala s’ya...
[written on August 2005, won 2nd prize for high school short story writing contest (never got my prize!)]
Mga etiketa: Maikling Kwento
pinost ni: Nolram Ateug nang 12:29 PM
+ + +
O-ey
Dahil sa lahat ng channel ay si Cory ang bida, hindi ko naiwasang maalala ang People Power, ang pangunahing dahilan kung bakit s’ya binibigyang pugay. Kaso, People Power II lang naisip ko, yun lang kasi ang naabutan ko. Naalala ko ang hapong iyon, katabi ko ang isang punong malapit sa EDSA Shrine at habang kumakain kami nang tanghaliang naka-supot, ay sinusubukan kong basahin ang plakard na inihiga pansamantala sa lupa: “Sobra na! Tama na!” Gusto ko sana ‘yong sabihin ngayon sa karamihan ng taong nakadilaw na t-shirt, ribbon, pin, cap, pants, sando, shorts, jaket, bag, kyutiks, contact lens, sapatos, palda o polo, nakahugis “L” ang mga daliri at sumisigaw ng “Cory! Cory! Cory!” Gusto kong itanong sa kanila kung bakit gano’n na lamang ang pag-aksaya nila ng lakas, boses, pera, papel, oras, luha, at kuryente para lang sa isang libing. Kung nilaan na lang sana nila ang lahat ng iyon sa pagpapatuloy sa naiwang trabaho at laban ni Cory, edi naging makabuluhan pa ang pagkamatay n’ya. Oo nga’t pinakita na kayang mag-kaisa ng Pilipino, pero hindi naman yata dapat ikatuwa na kung kalian s’ya namatay ay saka lang ibinigay ang hinanap n’yang pagkakaisa… Isang landlady na nagpapahirap at nagpapatay sa mga magsasaka na nga ang pinupuri nila, nagkalat pa sila sa kalye. “Confetti” daw ang tawag sa ginupit-gupit nilang dilaw na papel at iniitsa kasabay ng ambon. Confetti ngayon, kalat mamaya, kalat pa rin bukas. Confetti, na dahil wala naman silang sapat na janitor di tulad sa mga concert o show, ay maiiwan na nakatambak sa kalye hanggang sa bumara sa mga kanal. Mga kanal, na kasabay ng iniwan din nilang supot, stick at iba pang papel, ay mababarahan na magdudulot lang ng baha at matinding trapik. Masyado kasi silang nagpadala sa kanilang emosyon…Isantabi na muna natin ang binungang trapik at baha ng prusisyon at tutukan ang kumpol ng lobong hugis Spongebob Squarepants. Tahimik akong nanonood ng lamay, ng “best president” (ayon kay Lim), nang bigla ko silang nakitang binenbenta; nahagip ng kamera. Natawa tuloy ako. Si Spongebob na nakakatawa maski ang pagtawa, ay nasa libing na pinagluluksaan ng buong mundo! Dahil lang sa kulay dilaw din ay nagkaroon s’ya ng silbi sa sambayanang nagluluksa, simbolo. Hindi na inisip ng mga nakakatawang bumili na isang nakakatawang karakter si Spongebob. Hindi bagay sa malungkot at nanghihinayang nilang emosyon. “Basta yellow.” Marahil ang tumatakbo sa kanilang mga utak. Palibhasa, dahil sa mga nangyayari ay naging “yellow = Cory” na.Ilang oras din nagtagal ang lamay at ilang libo din ang dumating, pero tila wala ni isang nakaisip kung hanggang saan ang hangganan. Ang hangganan ng kanilang “pagluluksa.” Kanya-kanyang pakulo at pakwela, sirena sa Marines, bomba sa bumbero, cannon fire sa AFP, pero naisip ba natin kung bakit nararapat nito si Cory? Ina ng demokrasya, demokrasya bang matatawag ang hindi pagbigay ng libo-libong n’yang ektarya ng lupa na kasama sa kanyang CARP? Marami pa marahil ang ginawa n’yang hindi naman simbolo ng demokrasya. Pero ano pa nga bang magagawa natin, patay na s’ya. Pwes, kung hindi dapat inuungkat ang kamalian ng isang bangkay, bakit uungkatin pa ang mga kabutihan nito? Bakit magko-confetti pa, magi-spongebob, magye-yellow, magkakaroon pa ng bagong bayani, iibahin pa ang pangalan ng EDSA? Hindi naman pala dapat…
[written on August 2009, assignment]
Mga etiketa: Sanaysay
pinost ni: Nolram Ateug nang 12:26 PM
+ + +
Palaruan
Sa gitna nang damuhan, malapit sa maliit na elementary building, at napapaligiran ng ilang puno, matatagpuan ang pinakamagandang lugar na nakita ko. Dito makikita ang tanging swing, slide, see-saw, at monkey bars, sa buong paaralan. At dito ka lang din magkakaroon ng kakayahang makita ang buong eskwela, ito ang playground…Ang pulang swing na kinakalawang nasa tanda ay ginagamit pa rin ng mga bata. Kaso, karamihan sa kanila ay nakatayo. Bukod sa madumi itong tingnan dahil sa kalawang, may kanya-kanyang na ring butas ang tatatlong upuan nito. Sa kabila ng masamang kalagayan nito ay, s’ya pa rin ang pinaka-nilalaro ng mga bata. May ilang grupo pa nga ng kalalakihan ang nagpapalakasan gamit ang swing na ito; itutulak nila ang swing ng buo nilang lakas, at kung kaninong swing ang umikot sa stand ng pinakamaraming beses ang panalo. Nasisira nito ang mga dilaw na kadena ng swing, pero napapasaya naman niya ang mga bata.Apat na metro mula sa harap ng swing, makikita ang nakaharap na slide, na may pinakamaraming aksidenteng naidulot. Bihira itong gamitin dahil nakakabagot para sa mga bata. Ngunit, dahil sa kabagutang iyon, ay kung ano-anong eksperimento ang sinusubukan nila. Maraming bata ang dumeretso sa clinic nang umiiyak dahil sa pagtayo, pagpapadulas ng una ulo, pagsabay-sabay, pag-akyat sa slide mismo, pagtalon sa slide, o anu pang pampasikat na exhibition nila. Isa pang dahilan kung bakit ayaw siyang paglaruan ng mga bata, ay ang kalawang nito. Ilang taon na rin kasi ang slide, kaya ang padulasan nito, yung stand ng picture frame, ay nag-iiwan na ng brown na mantsa sa damit. Sa likod naman niya, makikita ang hagdan na parang nakatayong monkey bars. Kontra sa nababak-bak na asul na padulasan, kulay pula ang anim na talampakang hagdan. Kinakalawang na din ito, pero yung ilalim na bahagi ng mga baiting ay hindi gaanong naapektuhan.Nakadikit naman sa kanang bahagi ng slide, ay ang sikat na monkey bars. Sa kung anong mahiwagang dahilan, ay hindi ito kinakalawang; ito na ang pinakamaayos sa buong playground! Mas madalas man itong gamitin ng mga estudyante kaysa sa slide, ang kumukupas nitong pintura lang ang deperensya nito. Bawat bar din ay iba-iba ng kulay, kaya pag tiningala mo sila, ay para kang nakakita ng iba’t ibang kemikal sa iba’t ibang test tube na maayos na nakasalinsin sa langit. Madalang itong gamitin ng mga babaeng bata, nanghihila kasi ng short o palda ang ibang bata kapag sumabit ka. Pero yun nga ang ikinatutuwa ng mga kalalakihan, pahiyaan. At, ginagawa din nila itong sanayan. Katulad sa ‘pagbato ng swing’ kanina, nagpapadamihan ng pull-ups ang mga batang lalaki dito, kahit na hinablot na ang asul nilang short at ang puting mickey mouse na brief na lang nila ang naka-gwardya sa kanilang kalalakihan.Sa gilid naman ng slide at ng swing, tatlong metro mula sa kanila, makikita ang swing. Ang pinakakawawa sa buong playground. Dadalawa lamang sila, na parehong nakakabit sa asul na stand. ‘Yung kulay dilaw ay kinain na ng kalawang at tinalian pa ng isang malaking bato sa isang upuan nito. Nagsilbi itong panukat ng lakas ng mga bata, kung sino makapagakyat ng bato nang pinakamataas, ang s’yang macho. Ang katabi naman nito ay parang balat ng mentos, asul at tinuklap. Nakayuko pababa ang kaliwang upuan nito at may butas naman ang kanan. Hindi ko nga maintindihan kung saan nakuha ng mga bata ang kapangyarihang gawin iyon. At dahil sa kalunos-lunos nitong kalagayan ay halos wala ng naglalaro nito, samantalang dati rati ay isa ito sa mga pinakapinupuntahan.May isa pang laman ang playground na hindi pwedeng kalimutan. Ito ang halos pitong talampakan na basketball ring na nasa kabilang gilid ng swing. Kapansin-pansin ito, dahil masyado itong mataas para sa mga bata! Pero kahit na ganon, palagi pa ring may naglalaro nito. Ang gamit pa nga nila ay iba’t ibang uri ng bola, yung pambatang basketbol, papel na tineyp para maghugis bola, bola ng jackstone, bato at kung ano-ano pa na bihira naming tumama sa bakal na ring o sa marupok na board. Hindi rin ito pinaghaharian ng kalawang, palibhasa kahoy ang board. Ito ang pinakamataas na lugar sa playground, at pag inakyat mo ito ng buong ingat, ay matanaw mo ang higschool building na, para sa’yo, ay kasing laki lang ng isang notebook. Matatanaw mo rin dito ang mga nakakatandang estudyante na nakikipaglandian, nag-babasa, nagkukwentuhan o nakikipagbasagan ng mukha. Dito makikita ng mga bata ang mundong liliparan nila sa kinabukasan, ang mundong hindi lang tungkol sa paglalaro at pagsira ng mga bagay.Anupaman, ang playground, pinakamatanda sa elementary department, ay nakatirik pa rin doon, sa gitna ng damuhan, napapaligiran ng ilang puno.
[written on July 2009, assignment]
Mga etiketa: Sanaysay
pinost ni: Nolram Ateug nang 12:21 PM
+ + +
Sino si Pot-pot?
Sino nga ba si Pot-pot? Sabi sa komersyal ay sila daw ang mga batang umiinom ng isang brand ng gatas na hindi ko na maalala at may “signs ng all around health”. Pero sa akin, siya ay isang pinsan, anak ng pinakabata kong tito. Wala nang nakaka-alala kung bakit nagging pot-pot ang kaniyang palayaw, pa’no ba naman ay ang layo ng pot-pot sa totoo n’yang pangalan, Trisha Rows N. Ramiscal. Oh, nawirduhan ka sa Rows n’ya ‘no? Kaya gano’n ang spelling no’n kasi, Rowaldo ang pangalan ng tatay nya (yung tito ko) at doon kinuha ang Rows.Si Pot-pot ay labing-isang taong gulang, maputi at may katabaan. Ka-kulay niya ang mga puting folder na ginagamit ng mga hayskul, tulad n’ya, na pantakip sa kanilang mga sagot. Malapad ang kaniyang noo na sabi ng mga mapamahin ay nagpapahiwatig ng katalinuhan. May pagka-totoo ito dahil mas magaling pa siya sa kapatid kong, labing-tatlong taong gulang na, pag dating sa math at pagtingin ng oras. Tulad naming mga kapamilya niya, ay pango din ang ilong niya. Para itong tatlong holen na pinagdikit-dikit, nilagyan ng dalawang butas at kinabit sa mukha niya. Inaasar ko nga siya minsan na gawa sa kasoy ang mukha niya, hawig kasi ng ilong niya yung buto sa ilalim ng kasoy. Ang mga mata naman n’ya ay medyo singkit, medyo lang. Kwadrado din ang hugis ng mukha niya, malalaking panga. At syempre, hindi s’ya kalbo. Mahaba ang kanyang buhok, at may bangs na kalinya ng kanyang maninipis na kilay. May katangkadan siya para sa kanyang edad; halos limang talampakan na ang kaniyang taas. May sungki nga din pala sa kaniyang mga ngipin na napapalibutan naman ng kaniyang mapupulang labi na kasing kapal ng Panda na bolpen.Kontra sa pinapalabas sa telebisyon, hindi nag-iiwan ng makukulay na bakas si Pot-pot sa kanyang mga hinahawakan o inaapakan, sa halip ay kamalasan diumano ang hated niya! Kasi, may balat s’ya sa pwet.Si Pot-pot ay isang tahimik na bata, tahimik sa puntong kahit inaapi na siya ay (di tulad ng maraming bata) hindi siya titili o sisigaw. Magugulat ka na lang na natatakot o nasasaktan na pala siya (sa pang-aasar) dahil bigla siyang luluha; luluha lamang sapagkat walang tunog na kasama. Sinasabi ng marami na nagmana siya sa kaniyang ina na hindi makabasag-pinggan sa sobrang kawalan ng imik! At dahil sa kawalan ng imik na ito ay madalas siyang naaabuso (hindi sekswal ah), minsan ay kinurot-kurot s’ya ng evil stepsister (pero pinsan talaga) n’ya para mag-shop lift sa isang maliit na mall, at wala siyang nagawa kundi magsumbong ng pabulong. Madalas din siyang dinodomina ng nakababata niyang kapatid na di hamak na mas matapang kaysa sa kanya. Madalas nga ay seryoso o takot ang ekspresyon ng kanyang mukha…Bihirang matuwa si Pot-pot, at sa tuwing natutuwa siya, kitang-kita mo ito sa kanyang kilos at galaw. Para siyang nanginginig sa sobrang excitement pero hindi naman sobra para sa kanya, ganun lang talaga siya matuwa. May kahiligan nga din siya sa mga matematikal na tanong at makikitang napaptalon siya sa tuwing pinagmamadali ko siyang sumagot, game na game.
[written on July 2009, assignment]
Mga etiketa: Sanaysay
pinost ni: Nolram Ateug nang 1:57 AM
+ + +
Apat Titik
Medyo naaamoy ko pa ang amoy-sinigang na hininga ni Eric habang sinasabi niya na ayaw niyang sumama sa rali bukas sa SONA dahil delikado at nakakatakot.Nilunok ko muna ang nginuya kong giniling na baboy, bilang bwelo pangontra-ingay sa canteen, bago isigaw sa kanya na marami naman dung tao na hindi siya pababayaan at na nananakot lang ang mga pulis sa training nila kuno para mag-disperse; “kung sobrang dami ng tao, wala din silang magagawa!” dagdag ko pa, habang umaasa na naiintindihan niya ako. Iling lang ang naging tugon niya – ayaw pa rin.“Masaya kaya ‘yun! Madami kang makikilala! Saka, ayaw mo man lang bang maranasa’ng mag-rali? Subukan mo nga kasi! Experience din ‘yun!”Iling ulit.“Malay mo may chicks dun.”“Oh? Ah, hindi pwede yun, malamang wala rin tayong ka-edad dun, takot din,” ang naintindihan kong sinabi niya, kasabay ng kaniyang pag-lingon. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nag-aayos na kami ng kanya-kanyang baunan at nag-handang umalis mula sa magulong canteen.Ang hallway na sunod nami’ng dinaanan ay mas kakaunti ang tao. ‘Di tulad sa canteen, dito ay malinaw naming naririnig ang isa’t-isa. Nagsimula ako ng usapan para ipaalam sa kaniyang hindi pa ako sumusuko,“Oh, ano? Ayaw mo pa rin ba talaga?”“Tsk, ayoko nga. Halos isang dekada pa bago tayo mag-eighteen eh sasali ka na sa mga ganyan? Saka na lang, pag nag-aral tayo sa PUP siguro,”“Halos isang dekada, limang taon na lang.”“Oh, di kalahating dekada.”Habang tinatawanan ko siya ay pumasok na kami sa CR namin, na dating sa mga babae kaya wala yung de-sabit na inidoro, at dumeretso sa dalawang magakaiba at magkatabing cubicle.“Maganda nga yung ganitong hayskul pa lang ay mulat na tayo eh, daig natin mga klasmeyt natin!”“Hay. Eh, hayaan na natin yang rali-rali sa mga matatanda, tutal matatanda din naman ang gumagawa ng problema. ‘Wag na natin pakielamanan ‘yan.”Ang lakas ng tama sa akin ng huling pangungusap ni Eric. “‘Wag na natin pakielamanan ‘yan,” wala man lang “muna”; ang sarap sagutin, barahin, patunyang mali!“An-“ naputol ang pangontra ko.“Ikaw talaga, obligado ka lang sumama dahil sa NGO mo’ng ina, mangdadamay ka pa! Hehe,”“Ah, haha.”Nakalabas na kami ng sarili naming cubicle at hinihintay ko na lang s’yang mag-ayos ng buhok nang napagpasyahan kong ituloy ang naudlot kong sagot, “Pero ‘di nga, importante din kaya sa atin yun. Kung ipapaubaya natin ‘to sa kanila, ano pang magiging kontribusyon natin? Eh, tayong mga estduyante at anak din naman ay naapektuhan ng problema. Hindi mo ba naiisip, kapul din tayo sa mga nangyayari! Hindi mo ba nami-miss ang mama mo na kinailangan pang mag-DH? Hindi ka ba naiinis sa tatay mong karpintero dahil hindi ka mabilhan ng PSP? Ako nga naiinis din eh! O kaya eh may natututunan ka ba sa ala-sardinas nating kondisyon sa klasrum? Eh di ba mabaho pa yung katabi mong si Michael? Sa dulo, sa ‘tin ang bagsak. Ayaw mo man lang bang ipakita yung inis mo? Ipagsigawan sa-“ biglang naputol ang momentum ko dahil bumukas ang ikatlong cubicle. At mula doon ay lumabas ang isang bata na lumapit sa ‘kin, sa may pinto. Siguro’y napansin niyang nakatingin kami sa kaniya o sadyang pinlano niya na mang-asar sa sinabi niyang, “Pinagsasabi mo kuya? Mag-DOTA na lang kayo!” bago siya tumakbo paalis. Nagdulot naman ito ng mahaba at malakas na tawa mula kay Eric. Buwisit na bata ‘yon…‘Rinig ko na naman ang ingay kanina sa canteen; mistulang lumipat lang ito sa aming klasrum. Kahit na kanina pa nagsimulang magsasalita si Ms. Agliam, kasabay ng buong klase, ay hindi pa rin ako mapakali dahil ayaw talaga akong samahan ni Eric at wala siyang paki; hindi ako susuko! ‘Di nagtagal, dahil sa kawalan ng ideya, o sa paggiging desperado ay nagsulat ako ng mensahe para kay Eric sa isang pahina sa luma ko’ng “Save the Earth” notebook, imbes na kopyahin ang “ass.” daw namin. Pagkatapos kong pilasin ay tiniklop ko ito sa kalahati ng apat na beses, para hindi mabasa ang laman, kahit na alam kong sa paglalakbay nito ay may magbubukas din sa kanyang iba. Ipinapasa ko na ito sa iba pa naming kaklase para ito’y makatawid ng dalawang rows mula sa inuupuan ko, patungo kay Eric, sa harapan. Ang nakasulat: “Hoy, Eric. Sumama ka na bukas kung ayaw mong ipagsigawan ko sa buong kalawakan na crush mo si _____! Sige, umayaw ka pa’t isusulat ko na siya sa susunod!” na may kasamang drowing ng diablong tumatawa; tama, blackmail ang huling paraan ko. Pagkabalik sa akin ng papel ay binasa ko ang “Bahala ka,” na tugon niya na may kasama ding drowing, poker face naman. Natawa ako ng mahina bago ko isulat na “Tsk, sumama ka na kasi, kahit mga isang oras lang tayo dun, libre naman pamasahe at may jeep na aarkilahan daw. ‘To naman, minsan lang naman kita yayain nang ganito, ‘di ba?” sabay drowing ng smiley bago ko ipapasa ulit. Kaso, pagkatapos kong maipasa sa mga kaklase namin yung papel, ay tapos na din pala ang klase at nagsisilabasan na silang lahat. At dahil wala naman silang paki sa papel namin, ay mukhang binale-wala at itinapon na nila ito sa pula naming sahig, kasama ng ibang kalat na hinahangin ng dadalawang bentilador sa klasrum. Naging kalat lang papel ko at bigo pa rin ako.“Yehey!” ang narinig ko mula kay Eric pagkatapos na pagkatapos nang mahigit isang oras naming paglilinis sa buong kwarto, kami kasi ang nahuli sa mga lalabas kaya napagtripan kaming paglinisin ni Ma’am. Ngayon ay pwede na kaming maglakad pauwi, dahil mag-kapitbahay naman kami, araw-araw kaming magkasabay. Malapit lang ang klasrum namin sa kinakalawang na gate, pero bago pa man din kami makalapit doon ay tinawag si Eric ni Joana, ang pangalang dapat na nakasulat sa blanko kanina.“Oh, bakit, Joana?” tanong ni Eric na halatang nahihiya.“Ano, bili ka naman nitong tickets ko, limang piso lang isa. Kasali kasi ako sa “Beauty Contest” nitong baranggay eh, bukas na ang deadline. Sige na, mabait ka naman eh…” naman ang naging sagot ni Joana habang nakangiti ang kaniyang bibig at mga mata.At ano pa nga ba ang ginawa ni Eric? Bumili siya. Sampung piraso, kasabay ng pagbili niya ay ang pagkaubos ng isang linggo niyang baon. Naglulundag sa tuwa si Joana, na nagpatalbog sa malulusog niyang suso, na kanina pa tinititigan ni Eric, at niyakap pa nang sandali si Eric - na abot buwan naman ang ngiti. Bago siya tumakbo paalis, ay inimbitahan din niya na manood si Eric bukas sa Coronation dahil sasayaw silang mga kalahok ng Wonder Girls. Tinugunan naman ito ni Eric ng isang buong pusong pag-tango kasabay ng masiglang “Syempre, naman!” Sa puntong iyon ay bigla na lang nablanko ang utak ko at hindi sinasadyang sambitin ang, “Puta…”
[July 2009, for an organization's application process, first work ever published!]
Mga etiketa: Sanaysay
pinost ni: Nolram Ateug nang 9:49 PM
+ + +
Intro
Okay, first post.
Ang site na ito ay magsisilibing tambakan ng mga akda ko.
:]
At ipapabasa ko sila sa buong daigdig, para mainsulto, mapuna, mapuri, o anuman.
Kaya, kung may mababasa man kayong kahit isa sa mga ilalagay ko, PAKI-COMMENT-AN!!
:D
Okay, goodluck sa 'kin.
^^
Mga etiketa: Anunsyo
pinost ni: Nolram Ateug nang 9:46 PM
+ + +